GENERAL SANTOS CITY - Patay ang isang professor ng Mindanao State University matapos pagbabarilin sa highway ng Barangay Apopong, General Santos City pasado ala-5 ng hapon nitong Martes.Ayon sa hepe ng Police Station 2 ng General Santos City Police na si Police Maj. Ananias Vasquez, mula sa unibersidad, sakay ng kotse ang mag-asawa na pauwi sa bayan ng Polomolok.
Posibleng nakasunod na umano ang nakamotorsiklong mga salarin bago paputukan ang sasakyan ng biktima.Nakabangga pa ng isang tricycle ang sasakyan nang pumagilid ito, hanggang sa bumangga rin ito sa isang puno sa tabi ng kalsada.“May information na nakuha na land conflict-related. Pero ito ay magkakaroon pa tayo ng malalimang investigation kung yun talaga o may other motives pa,” ani Vasquez.Ipinagluluksa ng MSU ang pagkamatay ng 53-anyos na biktima na isang mabait at relihiyosong tao.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »