DUBAI - Kilala ang Filipino medical frontliners sa Middle-East at Europe dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho. Pero hindi lang sa ospital o clinic nila ipinapakita ang kanilang sipag kundi sa social media na rin, partikular na sa TikTok.
Magandang libangan ang TikTok lalo na ngayong pandemya. Ilan sa mga Pinay medical frontliner na naging TikToker ay sina Amy Miranda ng Dubai, UAE at Nelia Samson Paris ng United Kingdom. Noong isang taon lang nagsimula sa TikTok si Paris. Clinical Lead siya sa Sebright House sa Leamington Spa mula 2017. Nagtrabaho rin siya sa Al Shabani Hospital sa Jubail, Saudi Arabia ng labing-apat na taon bago lumipat sa UK noong 2008.
“Yung ma-uplift yung very sad moments. Nung nagsimula ang lockdown bigla kaming nanibago,” sabi ni Nelia Samson Paris , frontliner na TikToker sa United Kingdom.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.