Watch also in iWantTFC Ayon sa isang isang doktor, mahalaga ang papel ng mga magulang sa pagsunod ng anak sa mga health protocol, sa harap ng pagluwag sa age restrictions sa ilang lugar sa bansa kahit patuloy pa ang COVID-19 pandemic.
Sa panayam sa Teleradyo, sinabi ni Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians na mas mahirap kasing kontrolin ang pagsunod ng mga bata sa mga minimum health standards. Biyernes nang ibaba ng gobyerno ang utos na pinapayagan nilang luwagan ang age restrictions sa mga lugar na naka-modified general community quarantine. Ngayon, maaari nang lumabas nang bahay ang mga nasa edad 10 hanggang 65 sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.