? Hinde, joke lang. Basta, na-in love ka na ba at minahal in return?
Dahil hindi pa malaganap noon ang data plan, nakisawsaw ako sa isang establisimyentong may libreng Wi-Fi. At doon, wala pang isang araw pagkapanganak sa mortal na mundo ng pinakamamahal kong bunso, iniluwal naman siya sa social media. Na dinagsa kaagad ng “Congrats!” at “Like.” Wala pa noong emojis at heart-heart.
na ang ibubunsod na teknolohiya ay magtutulak sa atin papasok sa “new era, enabled by electronic technologies, in which space is a space of flows and time is timeless.” Wala na rin daw heograpikal na espasyo, ang mayroon na lang ay ang “concept of space that is not by relations of geographical contiguity but by the exchanges between the different places in which actors are found.” Wow, profound.
Hindi na natin kailangang tumingala sa mabituing kalawakan kapag gabi, beer in hand, nakaupo sa damuhan, umaagos ang masaganang luha sa pisngi para sariwain ang isang partikular na pangyayari, noong ikinasal ka, halimbawa, some 10 years ago. Noong hindi pa uso ang same-day edit and showing ng wedding video sa reception at pagpapabaha sa news feed ng rehearsed prenup photos.
Hirap na nga akong alalahanin ang mismong sandali nang ikasal kami ng asawa ko, isang Pebrero, some decade and a half years ago sa isang bayan sa Quezon. Wala kaming masyadong picture noong magkasintahan pa lang kami. At nang ikasal sa probinsiya, to offset ang kawalan ng larawan, kumuha ako ng serbisyo ng photographer. Nakalagay ngayon ang mga pre-manicured photo era na larawan sa isang album na mga isang tonelada ang timbang.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »