Operasyon ng LRT-2 balik-normal na matapos ang operational service

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 41 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 20%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Balik-normal na ang operasyon ng LRT-2 matapos ang isang araw na provisional service Lunes.

Ayon kay Atty. Hernan Cabrera, tagapagsalita ng LRT-2, nagpatupad sila ng provisional service mula Recto hanggang Araneta Cubao Station matapos magkaroon ng technical problem sa Santolan Station Lunes.

Ibig sabihin, hindi sila nagpasakay ng mga pasahero sa Anonas, Katipunan at Santolan Station kahapon. Paliwanag ni Cabrera, nitong weekend ay kinailangan nilang patayin ang signalling system ng Anonas, Katipunan at Santolan Station para magbigay daan sa integration test bilang paghahanda sa pagbubukas ng karagdagang Masinag at Marikina LRT-2 Stations na nakatakdang maging operational sa Hunyo 22.

Pagkatapos ng integratiom test, binuksan na muli ang signalling system ng mga naturang stasyon. Pero doon nagkaroon ng technical problem sa signalling system ng Santolan Station. Kinailangan nila itong ayusin buong araw Lunes. Naayos ang signalling system ng tren ala-1 ng madaling-araw Martes kaya nagbalik-operasyon ang LRT 2 alas-6 ng umaga.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.