'No vaccine, no work' habang Alert Level 3 inalmahan

Labor groups inupakan ang 'no vaccine, no work' habang Alert Level 3

Alert Level 3, Ncr

10/22/2021 3:25:00 PM

Labor groups inupakan ang 'no vaccine , no work' habang Alert Level 3

Inupakan ng labor groups ang 'no vaccine , no work' policy sa mga sektor na pinayagang magbukas sa ilalim ng Alert Level 3 .

Hindi naman kasi anila kasalanan ng mga manggagawa na kulang pa rin ang suplay ng bakuna sa bansa, at hindi naman anila sila mahirap kumbinsehin na magpabakuna dahil dito nakasalalay ang kanilang hanapbuhay. "'Asan na po ba kasi talaga ang vaccine na dapat naaabot ng mga manggagawa? Sa Quezon karamihan halos ng mga manggagawa wala pang bakuna, so kung 'yun ang ipatutupad paano ang mga mangagawa?" ani Julie Ann Guiterrez, deputy secretary ng Kilos na Manggagawa. 

Sa guidelines ng Inter-Agency Task Force, puwede ang meetings, conferences, exhibitions, tourist attractions, recreational venues, at iba pa sa 30 porsiyentong indoor at 50 porsiyentong outdoor capacity basta't fully vaccinated lahat ng manggagawa. 

Kailangan ding fully vaccinated ang mga empleyado hanggang Alert Level 2, at mawawala lang ang panuntunang ito sa Alert Level 1. "Under the general rule, you cannot compel anybody to undergo vaccination kung ayaw. Malinawag 'yon. Mayroong exemption lang dahil du'n sa IATF resolution: kung ayaw niyo magpabakuna, ok lang hindi namin kayo mapilit," ani Labor Secretary Silvestre Bello III headtopics.com

Cardi B wins defamation lawsuit against gossip blogger

Dagdag niya: "Pero hindi kayo puwede pumasok dahil that will violate the IATF resolution. Pero 'yan, pero ha, hindi puwedeng tanggalin, hindi lang papasukin. O ngayon, pag hindi naman pumasok, no work, no pay." Nagtataka rin si Bayan Muna chairman at senatorial aspirant Neri Colmenares kung bakit mas nangingibabaw pa ang IATF resolution sa mga umiiral na batas ng Pilipinas. 

Aniya, hindi daw dapat magdusa ang manggagawa sa kapalpakan ng pamahalaan. "I wonder why this resolution is all of a sudden more superior to the laws of the land. Ang daming nawalan ng trabaho ngayong pandemya gusto pa ba nila na dagdagan ang mga ito? Our workers should not suffer for the government's incompetence," aniya. 

Kailangan aniya ng sapat na suplay ng bakuna at information drive. Ayon kay Bello, karapatan ng mga employer na mamili ng fully vaccinated na aplikante. "Kailangan vaccinated, puwede 'yon. Siya ang may negosyo, siya magbayad, so he has the absolute discretion to specify the qualifications of the applicants," ani Bello. 

Maricel Soriano to star in international movie to create awareness against Asian hate

Panawagan naman ng Kilusang Mayo Uno na manindigan para sa mga manggagawa at tumutol sa IATF guidelines. "'Wag gamitin ang bakuna para tanggalan ng hanapbuhay ang mga manggagawa, tumindig ka naman para sa manggagawa! 'Wag ninyong payagan ang IATF fuidelines na yan, tinutulan namin 'yan," ani KMU spokesperson Jerome Adonis.  headtopics.com

Ang grupong SENTRO, tinawag na iligal ang guidelines ng IATF dahil wala itong karapatan na pagkaitan ng sahod ang mga manggagawang hindi bakunado. -- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Read more: ABS-CBN News »

‘PH is a significant decliner’ in global corruption index, ranks 117th

The country’s standing in Transparency International’s Corruption Perception Index (CPI) has dropped two places, ranking 117th out of 180 countries for 2021. Read more >>

ThanyaDeLaCruz MannyPacquiao became President of the Philippines Decision2022 grassroots

People flock to Dolomite beach after alert level easedLOOK: People flock to the Manila Baywalk Dolomite Beach to watch the sunset on Thursday. Not thinkung!

Bello: COVID-19 vaccination only required among biz allowed to operate under Alert Level 3The DOLE chief cites a provision of an IATF resolution that says only workers in establishments allowed to operate under Alert Level 3 are required to be inoculated.

Bello: Unvaccinated workers in businesses operating in alert level 3 areas can be fired Labor Secretary Silvestre Bello III said unvaccinated employees in establishments allowed to operate in areas on COVID-19 Alert Level 3 could be fired or denied work for not getting the jab. | JEMendozaINQ

When can NCR minors go outdoors under Alert Level 3?Government clarified the conditions under which minors can go outdoors in Metro Manila , where COVID-19 restrictions were eased over the weekend.

Metro Manila may be placed under Alert Level 2 in coming weeks - DOHThe National Capital Region ( NCR ) may be placed under the Alert Level 2 in the coming weeks should COVID-19 infections continue to decrease, the Department of Health (DOH) said on Thursday, Oct. 21 READ: JULIE_FX_TRADER you are a trader with so much ambitious goals towards his clients, a woman with love for others. You're honest when it comes to investment Thanks for changing my life financial i will be greedy if I don’t share this Contact JULIE_FX_TRADER for a success trade No Facesheild na sana😪

Level up your smartphone photography skills with vivo X70 co-engineered with ZEISSThe vivo X70 combines flagship performance and photography technology in one sleek package. BrandRap Vivo_Phil