MAYNILA - Kailangan pa rin ng negatibong resulta ng coronavirus disease RT-PCR test kung gustong pumunta sa Boracay, ang tanyag na beach destination sa Aklan.
Sabi sa Teleradyo ni Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista na hindi sila makakatiyak kung totoo nga ang vaccination card na ipepresenta ng mga indibidwal na papasok sa isla. Maaalalang may mga kaliwa't kanang insidente na may mga nahuhuling namemeke ng kanilang RT-PCR test sa sikat na tourist destination na ikinaalarma na rin noon ng lokal na pamahalaan ng Aklan, kung saan napapaloob ang Boracay.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.