Covıd 19, Tfc News, Auckland, New Zealand, Free For All Covıd-19 Vaccine, Pilipino, Mga Pilipino Sa Nz, Nakatanggap Ng Covıd-19 Vax | Abs-Cbn News

Covıd 19, Tfc News

Mga Pilipino sa NZ, nakatanggap ng COVID-19 vax

May visa man o wala, mga Pilipino sa NZ, nakatanggap ng #COVID19 vax

9/25/2021 6:30:00 PM

May visa man o wala, mga Pilipino sa NZ, nakatanggap ng COVID19 vax

Naging matagumpay ang free for all COVID-19 vaccine para sa mga Filipino sa Auckland , New Zealand dahil na rin sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Filipino volunteer.

Sa panayam ng TFC News sa Filipino coordinator ng programa na si Romy Udanga, 60 anyos, isang financial adviser at 14 taon ng naninirahan sa NZ, bagamat libre ang COVID-19 vaccine at tests sa bansa, iba pa rin kung mga kapwa Pilipino ang nakikita ng mga kababayan sa vax site.

DOST: Lagundi effective in easing COVID-19 symptoms In bike capital of the PH, hundreds of Leni supporters show up on their two wheelers Aljur on Kylie Padilla: She was the love of my life

“Being a foreigner in a country is not easy. This project gives our kababayan the confidence to be in a place at a certain time during Level 4 lockdown. Just the thought of being together with fellow Filipinos, even if they are not known to one another, is such a comfort, especially, may fellow Filipino din na nagwe-welcome at umaalalay pa sa kanila sa loob ng centre,” ani Udanga.

Wala ring pinipili ang free COVID-19 vax program dahil may visa o wala, basta’t Pilipino, puwedeng magpabakuna sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa social media account ni Udanga at ng iba pang Filipino volunteers.“This is really important especially to those who have most recently arrived, families of OFWs especially, and those on temporary or even without a valid visa. We made sure to share with everyone all the necessary information that they needed to know, especially the fact that nobody was going to be asked about their immigration status in the country,” dagdag pa ni Udanga. headtopics.com

Mainit ang pagtanggap ng mga Pilipino sa programa at malaking tulong na sa kapwa Pilipino sila nakikipag-ugnayan via social media para magpa-schedule para sa free vax.“Nakakatulong kami sa paghikayat sa mga Pilipino para magpabakuna sila, lalo na ang mga expired na ang visa o TNT na sa  New Zealand,” pagbabahagi ni Dennis Magcalas, 49 anyos, at 15 taon ng naninirahan sa bansa. Isa siya sa mga Pinoy volunteer ng programa.

“Maganda ang atmosphere ng vaccination site at very organized  at andoon kami physically para ma-coordinate ang mga Filipino na nagpa-register sa amin,” sabi naman ng isa pang Pinoy volunteer na si Aida Fabian, 48 anyos at 13 taon na sa NZ.Laking pasasalamat naman ng Pilipinang si Hilda, 56 anyos at mahigit 13 taon ng naninirahan sa NZ sa mga Pilipinong volunteer dahil fully vaxxed na siya at ang kanyang asawa matapos siyang mag-sign up sa programa.

“Naging comfortable naman pagdating namin sa vaccination site noon 12th Sept. 2021 sa 66 Clyde Road, sa Browns Bay dahil sa mga Pilipinong kababayan natin na sumalubong sa amin at nag-guide kung saan kami pipila at papasok.  Natuwa kami at nagpapasalamat sa lakas ng loob at tapang ng ating kapwa Pilipino  na nagbigay ng oras nila sa ganitong delikadong proyekto para makatulong sa tao at mapabilis ang pagpapabakuna para sa lahat ng mamamayan ng Auckland,” sabi ni Hilda.

Sa October 2, 2021 ang susunod na free vaccine program para sa mga Pilipino sa NZ.“Mayroon po uli tayong vaccination sa October 2, 11am-3.30pm. Puwedeng first dose, puwede ring 2nd dose (basta tama ang bilang  ng weeks after ng first dose ninyo). Mag-message lang sa mga volunteers natin para maisama kayo sa listahan natin. Tulad ng dati, may volunteers uli sa site para sa mga katanungan ninyo,” paghihikayat ni Udanga sa mga kababayan sa Auckland. headtopics.com

Carla Abellana and Tom Rodriguez finally tie the knot! ‘Para kay Leni’ caravan kicks off in Bacolod City Marcos camp: No misrepresentation in Bongbong’s Oxford education

Patuloy naman ang volunteer work ng mga kababayan para sa mga kapwa Pilipino sa NZ na tulad ni Aida na nagpapaalalang protektahan ang sarili at kapwa sa pamamagitan ng pagpapabakuna laban sa virus: Read more: ABS-CBN News »

Sonny Matula is 12th member of Robredo's Senate slate

(1st UPDATE) 'Malinaw sa mga usapan namin kung nasaan ang puso ni Attorney Sonny Matula. Para sa kanya, ang pakikianib sa atin ay hindi isang transaksyon, kundi tungkulin,' says Vice President Leni Robredo

You don’t need a visa to book for a vaccine appointment in NZ In Singapore too…all are welcome to receive vaccine…

DOH: Mag-ingat sa interpretasyon ng COVID-19 datosMuling iginiit ng Department of Health na dapat maging maingat sa interpretasyon ng datos, sa harap ng mga usapan na ibababa na sa Alert Level 3 ang Kamaynilaan pagdating ng Oktubre. COVID19 Sitahin Sana ng DOH pahayag sa premature forecast ni David!

ALAMIN: Ilang payo dahil sa pagluluwag sa face shieldsMay mga payo ang isang doktor kung lalabas nang bahay sa harap ng pagluluwag ng mga polisiya tungkol sa pagsusuot ng face shields.

138,000 digital COVID-19 vax certificates issued so far — DICT execThe government has so far issued over 138,000 digital COVID-19 vaccination certificates since the launch of VaxCertPH, the country’s portal for the issuance of digital COVID-19 vaccination certificates, an official of the DICT said. | cgonzalesINQ cgonzalesINQ How about we count the “Records Not Found” applications 🤷🏻‍♀️

Russia's daily COVID deaths match record highRussia reported 820 COVID-19 fatalities over the past 24 hours and 21,438 new cases.

PH tallies 16,907 new COVID-19 casesPH logs 16,907 new COVID19 cases; no deaths reported for 2nd straight day amid technical ‘issues’ DATA MANIPULATION TIME... How many cases of doyble jabbed? How many side effects after vaccination? How many dead after vaccination?

Yasmien Kurdi sa soundtrack ng 'Las Hermanas': 'Ang sakit sa puso ng kanta'Abangan ang isa sa mga soundtrack ng LasHermanas na inawit mismo ni Yasmien Kurdi! 🤩