Booster Shots, Workers, Manggagawa, Private Sector, İmmunucompromised, Health Workers, Health, Kalusugan, Covıd-19, Coronavirus, Mga Manggagawa Dapat Prayoridad Sa Booster Shots- Tucp | Abs-Cbn News

Booster Shots, Workers

Mga manggagawa dapat prayoridad sa booster shots- TUCP

Mga manggagawa dapat prayoridad sa COVID-19 booster shots- TUCP

10/26/2021 1:30:00 PM

Mga manggagawa dapat prayoridad sa COVID-19 booster shots - TUCP

Umaapela ang mga manggagawa na isali ang kanilang sektor sa mga matuturukan ng booster shot.

Ito ay lalo na sa mga may nakakasalamuhang customers kada araw. "Hinihiling namin na makasama sa booster shots ay 'yung mga manggagawang nasa banking, hotel, restaurant industries, kabilang na ang mga nasa land and air transport industries kagaya ng mga flight attendants at public transport workers dahil sila ang mga pangunahing nakikisalamuha sa mga tao, sa mga customers," ayon kay Alan Tanjusay ng Trade Union Congress of the Philippines. 

Sang-ayon naman dito si Presidential Adviser Joey Concepcion pero aniya ay hindi pa ito napapanahon. Ayon kay Concepcion, maaaring gawing booster shots ang darating na 3 milyong AstraZeneca doses sa Pebrero 2022. "Kakausapin namin ang LGU na 'yung donation namin kung pwede iturok sa mga manggagawa namin as booster shots..before the next administration, the private sector may continue to order additional doses as booster para may continuity," ani Concepcion. 

Pero kung si Health Undersecretary Myrna Cabotaje ang tatanungin, uunahin muna dapat sa booster shot ang mga health care worker at senior citizen bago ang ibang manggagawa. Baka malabo by yearend kasi may interval e karamihan sa kanila August or June so mga next year na kung ia-allow na ang booster ng the rest of the population, ang i-prioritize muna natin ang immunocompromised, health workers, senior citizens," ani Cabotaje.  headtopics.com

Nilinaw naman ng Department of Health na magagamit pa rin ang mag-e-expire na 2 milyong doses ng Pfizer vaccines at 400,000 na Moderna vaccines matapos i-extend ng Pfizer ang shelf life ng Pfizer vaccines nang tatlong buwan. Kaya namang iturok ang mga Moderna vaccine bago mag-expire sa Nobyembre 31. 

Sa tala ng Department of Health, Metro Manila pa rin ang may pinakamataas na vaccination rate. Ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao naman ang may pinakamababang bilang ng nabakunahan. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News Read more: ABS-CBN News »

Spotify

LOOK: Ang mga lalaki sa buhay ni Kris AquinoHere are some of the men who played or are playing important roles in the life of the Queen of All Media.

Royce Cabrera, ikinararangal na naging bahagi ng 'Nagbabagang Luha'Si Royce Cabrera ang gumanap sa karakter ni Sherwin Barzaga, isa sa mga kontrabida sa 'Nagbabagang Luha.'

Halos P7-M halaga ng shabu nasabat sa PasayDepensa ng isa sa mga suspek, iniutos lang sa kaniya na dalhin ang paper bag na may lamang droga. San mga master na intsik ng mga yan?

Task force to discuss COVID booster shotThe Philippines' pandemic task force will take up a recommendation for COVID-19 booster shots to be given to some priority groups.

Priority groups to get COVID-19 booster shots starting November – GalvezMANILA, Philippines — The groups to be prioritized to get COVID-19 booster shots this November are healthcare workers, the immunocompromised, the elderly, and those who were vaccinated anytime from

Health workers want best brand for COVID-19 booster shotsMANILA, Philippines — The government must provide medical front-liners with the “best” vaccine brand once it starts the rollout of booster shots , an official of a health workers ’ group