Patrolph, Tagalog News, Tv Patrol, Basilan Chopper Crash, Basilan Chopper, Tahira Ismael, Aris Galang, Philippine Air Force, Masamang Panahon? Sanhi Ng Basilan Military Chopper Crash Sinisilip | Abs-Cbn News

Patrolph, Tagalog News

Masamang panahon? Sanhi ng Basilan military chopper crash sinisilip

9/17/2020 6:50:00 PM

Bad weather allegedly caused military chopper crash in Basilan

Ayon kay Tahira Ismael, Municipal Administrator ng Basilan, masama na ang panahon nang nasa ere ang chopper."Nagsabay kasi 'yung tatlo, dumilim tapos lumakas 'yung hangin, talagang masama na 'yung panahon. Then parang nakita din namin na maghahanap na kung saan siya mag-emergency landing pero hindi nila nakayanan kasi madilim 'yung baba," ani Ismael.

CJ Peralta says SC tried its best to help Nasino, Baby River On baby River's death: 'Hindi kami nagpabaya,' Chief Justice Peralta says Martires doubts ‘pastillas’ scheme masterminds having contact inside anti-graft office

Papunta sanang Jolo, Sulu ang mga nakasakay sa chopper para magsundo ng mga pasyente.Kinilala ang mga namatay na sina Maj. Jessie D. Miller, 1LT. Mack-ar A. Ferrer, SSg Miguel Banas Jr., at A2C Benedicto B. Leal Jr.Kuwento ni Jamar Martinez Abubakar, barangay chairman, nasa covered court sila nang dumaan ang chopper bago bumagsak.

“Kumakaway na sila. Pinapaalis nila mga bata. Tapos pinilit nila itaas ulit tapos 'yun po, parang may pumutok sa engine niya then humiwalay ang tail rotor," ani Abubakar.Nagpunta na sa crash site ang 9-man investigative team ng Air Force para suriin ang pagbagsak.

Bibilang sila ng linggo bago malaman ang sanhi ng trahedya.Watch more in iWant or TFC.tv Samantala, inaasikaso na ng Philippine Air Force ang paghahatid sa kani-kanilang bayan ng apat na sundalong namatay sa insidente.Ayon sa Philippine Air Force, gagawin nila ang lahat para maibigay ang nararapat na tulong sa mga naulila sa insidente.

Anila, bayani kung ituring ang apat na namatay sa gitna ng tungkulin. Isinabuhay daw nila ang tawag sa grupo nilang "Angels.""Ito po 'yung grupo na tinatawag sa PAF na 'Angels.' Kung makikita niyo po 'yung patch ng uniform nila, nakalagay po Angels sila. Kasi 'yun pong motto ng unit nila is, 'So that others may live'," ani PAF public affairs chief Lt. Col. Aris Galang.

Nagpadala na rin sila ng mga magsasagawa ng imbestigasyon sa nangyari para maintindihan ang mga elementong konektado sa trahedya."Una 'yung environmental factors, kung ano po yung terrain and then nilipad nila, ano po 'yung weather. And then meron din po tayong tinatawag, sir, na human factor, ano po 'yung background ng piloto that time," ani Galang.

Aminado ang Air Force na hindi modelo ang bumagsak na helicopter pero nilinaw ni Galang na dumadaan sa mahigpit na maintenance protocols ang lahat ng aircraft ng ahensiya.— Ulat nina Queenie Casimiro at Jorge Carino, ABS-CBN News  Read more: ABS-CBN News »

Thirdy Ravena vows to bring ‘winning attitude’ to winless NeoPhoenix in B.League debut

Three-time UAAP Finals MVP Thirdy Ravena is set to bring his “winning attitude” to the San-En NeoPhoenix in Japan’s B. League.

4 killed as military chopper crashes in Basilan amid bad weatherWla pa gera yn mga palpak na mga kagamitan ntin png digma 😓😓😅😅 d ko maintindihan kung bat may mga nag like o nag ❤️ 阿弥陀佛

188 bahay napinsala sa Zamboanga City dahil sa masamang panahon

At least 4 dead as Air Force chopper crashes in Basilan(UPDATED) The initial assessment of police is that the crash was caused by 'bad weather' but this is subject to further investigation CCP is laughing on this news, further hinted the fragility of nations armed forces, the lack of proper training of pilots and maintenance of military hardware.

Military honors 4 airmen in Basilan helicopter crash

4 dead in Basilan helicopter crashFOUR persons -- two pilots and two crewmen -- were killed after a rescue helicopter crashed Wednesday, September 16, 2020, in Basilan province amid...

Umano'y paglabag sa quarantine protocol sa Black Nazarene motorcade sinisilipMadami dyan dumudura pa sa kalsada. Kadire! Yung mañanita sinilip ba nila? Napromote pa ah. Kapag mananita at rev gov assembly walang imbestigasyon! Walang quarantine protocols! Walang batas batas!