Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA — Kasunod ng hirit ng ilang manufacturers na gusto nilang magtaas-presyo sa Noche Buena products, nagbabala ang grupo ng supermarkets na posibleng makasama pa ito sa negosyo.
Ayon kay Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarket Association, maaaring mas piliin ng mga konsumer ang ibang brands na ipapako ang presyo ng kanilang produkto. "Dapag mag-ingat ang manufacturers sa pagtaas-presyo. Dahil kapag nagtaas sila ng presyo, at ang kalaban nila, same category, hindi nagtaas, matatalo din ang benta nila," ani Cua.
Nauna nang sinabi ng Department of Trade and Industry na lumapit sa kanila ang ilang manufacturer para humiling ng taas-presyo sa Noche Buena products tulad ng hamon, fruit cocktail, canned meat, tomato sauce, spaghetti, elbow macaroni, at quezo de bola.Nasa P109 ang gustong taas-presyo ng isang manufacturer sa hamon dahil daw sa pagmahal ng raw materials at epekto ng pagpasok ng African swine fever.
Payo ni Cua, suriin ang iba-ibang brands para makahanap ng dekalidad at abot-kayang presyo na produkto.--Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News
Walang katapusang pahirap sa mga ordinaryong mamamayang Pilipino
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »