Ayon sa public information office ng lungsod, kasalukuyang naghahanap ang pamahalaang lokal ng mga tauhan para sa ilulunsad na Makati Mobile Learning Hub Project.
Ang naturang proyekto ay isang educational platform na iikot sa iba-ibang bahagi ng lungsod para tulungan ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang na makasabay sa blended learning. Target ng programa ang mga kabataan na walang gadget o ano mang learning tool, at mga magulang na mahihirapang gabayan at turuan ang kanilang mga anak gamit ang self-learning modules.
Ang bawat hub ay lalagyan ng mga laptop at internet connection, pati ng mga libro at supplementary materials na maaaring hiramin ng mga magulang. Kailangan umano sa proyekto ng mga guro na aantabay para magbigay ng tutorials sa mga nais magpaturo.Humina ang enrollment sa mga pribadong paaralan para sa darating na school year, na tingin ng Department of Education ay dahil sa epekto ng pandemya sa kita ng mga pamilya.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Private School teachers?
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Makati Offers Job Opportunities For Displaced Teachers – The Manila TimesTHE Makati City government is looking for teachers, teaching assistants or aides, and tutors to join its Makati Mobile Learning Hub Project, Mayor Mar-Len Abigail “Abby” Binay announced on Saturday. In a statement, Binay said the Makati Mobile Learning Hub Project aimed to ensure that the youth of Makati would continue learning despite the coronavirus […]
Source: TheManilaTimes - 🏆 2. / 92 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »