Magkapatid pinatay umano ng kumakandidato sa Iloilo

May dating alitan umano ang mga ito.

12/9/2021 4:50:00 PM

Magkapatid patay sa pamamaril umano ng kumakandidato sa Iloilo

May dating alitan umano ang mga ito.

Nakilala ang mga biktima na sina Edmund Articulo, 36, at Ramon Articulo, 22, na parehong nakatira sa lugar.Sa imbestigasyon ng Ajuy MPS, pinuntahan ng magkapatid ang bahay ng suspek sa hindi pa matukoy na dahilan at nagkaroon umano ng pagtatalo sa gitna ng suspek at ng mga biktima.

Bumunot ng baril ang suspek at ilang beses na pinagbabaril umano ang mga biktima.Kaagad na bumulagta sa lupa si Edmund matapos matamaan ng bala sa dibdib bago pinagbabaril ng suspek si Ramon matapos tangkang tulungan nito ang kapatid.Mabilis na tumakas ang suspek dala ang baril, ayon sa mga awtoridad.

Kaagad dinala sa ospital ang mga biktima pero idineklara silang dead on arrival ng doktor matapos sila magtamo ng tama ng bala sa iba't-ibang bahagi ng kanilang katawan.Napag-alaman na lasing ang magkakapatid nang pinuntahan ng mga ito ang bahay ng suspek. headtopics.com

Prima Donnas 2: Bagong simula ng Pamilya Claveria | Teaser Ep. 1

Nakuha sa lugar ang 10 basyo ng bala na nanggaling sa isang .45 caliber pistol.Patuloy pa ang imbestigasyon ng Ajuy MPS at tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek.— Ulat ni Rolen EscanielKAUGANAY NA ULAT

Read more: ABS-CBN News »

[EDITORIAL] Evicting justice

Sa lipunan natin, hindi puwedeng sabihing 'Justice died a little today.' Dapat: 'Justice is being massacred every day.' Read more >>