Lingkodngısatısa, #Lingkodngısatısa, #Lingkodpinas, Lingkod Ng Isa't Isa | Abs-Cbn News

Lingkodngısatısa, #Lingkodngısatısa

Lingkod Ng Isa't Isa | ABS-CBN News

Sa Pambansang Araw ng mga Bayani, Agosto 31,2020, ating kilalanin ang mga mamamayang nahihirapan, pero nananatiling matatag at mapagmalasakit. Sa mga kuwento ng kabiguan, nakatala rin ang pagkakaisa.

9/28/2020 11:05:00 AM

MANILA-TO-SORSOGON BAYANIHAN. Sa pagtutulungan ng ating mga kababayan, maayos na nakauwi sa Sorsogon si Rommel Balbona at ang kaniyang partner. Maraming salamat po sa inyo! Ang mga kuwento kung paano tayo naging LingkodNgIsatIsa, basahin dito:

Sa Pambansang Araw ng mga Bayani, Agosto 31,2020, ating kilalanin ang mga mamamayang nahihirapan, pero nananatiling matatag at mapagmalasakit. Sa mga kuwento ng kabiguan, nakatala rin ang pagkakaisa.

Pagtulong para sa mga tumulong sa kaniya.Ganito ang naging inspirasyon ni Aedan Pio Malvar, 9 taon gulang na may bihirang uri ng bone cancer. Pero hindi ito naging hadlang para tumulong siya sa frontliners ngayong may COVID-19 pandemic.Ibinebenta niya online ang mga painting niya ng mga bituin, planeta, at kalawakan para makalikom ng pondo na ibibigay niya sa mga frontliner. Aniya, masaya siya na nakakatulong sa mga frontliners na tumutulong din para bumuti ang kaniyang kalagayan.

Sarah G shares how her priorities have changed since getting married Roque says Duterte’s '167 million drug users' remark just a 'typo' US government to file antitrust lawsuit vs Google later on Tuesday -source

"Surprised ako kasi 'di ko inakala na maraming magkakagusto ng artwork ko, na kahit para sa 'kin hindi sila masyadong perfect. Siyempre happy na nakakatulong ako the same way na tinulungan ako ng mga tao," sabi niya.BUONG ULAT:https://news.abs-cbn.com/life/08/18/20/batang-may-cancer-nagbebenta-ng-mga-paintings-bilang-tulong-sa-frontliners

Nagbibihis bilang Spider-man ang delivery rider na si Jheelan Ocon, 31 anyos mula sa Batangas. Taktika niya ito para para makaengganyo ng mas maraming kliyente. Nag-iipon kasi siya para sa dialysis ng kaniyang asawa na mayroong chronic kidney disease.

Pinili niyang bumalik sa Batangas para maalagaan ang asawa at kanilang tatlong anak matapos ang siyam na taong pagtatrabaho sa Makati."Sa sitwasyon po ng asawa ko hindi ko rin po alam kung hanggang kailan po siya kaya pinili ko po talaga na makasama ko siya at pamilya ko, 'yung remaining gusto ko nasa tabi niya ako," sabi niya.

BUONG ULAT:https://news.abs-cbn.com/life/08/13/20/delivery-man-sa-batangas-city-nag-spider-man-costume-para-sa-dialysis-ng-asawaMaraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho sa Australia bunsod ng epekto ng COVID-19. Kaya bumuo ng grupo ng response team ang ilang mga Pinoy para tumulong sa mga kababayan. Namigay sila ng canned goods, noodles, sabon, at iba pa. Samantala, ang mga cash donation ay ipinambili rin nila ng mga gulay mula sa mga Pinoy vendor.

"Bilang Pilipino, ginawa po namin ito sa tulong na ating kababayang Pilipino dahil ramdam din natin ang kanilang nararamdaman nila ngayon dahil dumaan din kami sa temporary working visa at sa napakahirap na sitwasyon," sabi ng Pinoy migrant sa Australia na si Reynaldo Manlutac.

Ang Pinoy chef na si Edward Ocampo at negosyanteng si Vangie Reyes naman ay namigay ng mga lutong pagkain."We are here, the Filipino community. We are your family. Don't hesitate to ask any questions," sabi ni Em Wills, isa sa mga Pinoy na tumulong.

Japan emphasizes Olympics cybersecurity, condemns 'malicious' hacks NCR just posted its lowest COVID count since September 22 ‘Paano nangyari?’ Even Vice Ganda didn’t recognize Angeline Quinto’s voice in ‘Hide and Sing’

BUONG ULAT:https://www.youtube.com/watch?v=vuro2LqPCK0Lulan ng mga kabayo, binaybay ng isang grupo ng magkakaibigan ang iba't ibang bahagi ng San Fernando, Victoria, Tarlac para mamigay ng relief goods.Ayon kay Breih Pascua, ipinahiram ng kanilang kaibigan ang mga alaga niyang kabayo. Nakatulong ito para maabot nila ang ilang kalsada na sarado bunsod ng lockdown at mga lugar na hindi mapupuntahan gamit ang sasakyan.

Gulay daw ang ipinamamahagi nila na binili mula sa nalikom na donasyon mula sa mga kababayan.BUONG ULAT:https://www.facebook.com/bayanmoipatrolmo/videos/224658005481065Tulong para sa mga delivery rider ang naisipan ni Anali Lorraine Mojica habang may COVID-19 pandemic.

Sa tulong ng kaniyang mga kaibigan, nakapagpagawa sila ng “free food stopover” na mayroong libreng lunch at tubig para sa mga delivery rider sa Bangkal, Makati City.“Yung target namin talaga ay 'yung masisipag nating delivery riders na tumutulong sa' tin ngayong lockdown. Kasi dapat pati sila i-cheer at i-salute natin ngayong may ganito tayong pandemic," sabi niya.

BUONG ULAT:https://facebook.com/bayanmoipatrolmo/posts/3022586791095877?__tn__=-R“Para po sa akin, ang edad at estado sa buhay ay hindi po dahilan para di makatulong sa kapwa.”Ito ang saloobin ng 15 anyos na si Jarred Gaviola mula sa Muntinlupa City nang gamitin niya ang nakuhang scholarship allowance na P3,000 mula sa lokal na pamahalaan para i-donate sa mga frontliner at ilang pamilya sa kanilang lugar.

Aabot sa 200 pamilya ang kaniyang natulungan kabilang na ang mga manggagawa ng Muntinlupa Science High School at mga frontliner.Sa darating na pasukan ay grade 10 student na si Jarred.BUONG ULAT:https://www.facebook.com/bayanmoipatrolmo/posts/3346698162018070

Marami ang humanga sa ginawa ng 29 taong gulang na nurse na si Mary Lorraine Pingol nang tulungan niyang manganak ang isang street dweller sa Makati City.Aniya, tadhanang maituturing na ma-late siya papunta ng trabaho para sumaktong makita siya ng rescue team. Agad naman siyang sumaklolo at tagumpay na naisilang ang sanggol.

Taiwan says it won't be intimidated by China's 'hooligan' diplomats Ruffa Gutierrez, hindi napigilang maiyak ngayong malapit nang mag-college ang anak [OPINION] Transform the outrage over baby River’s death into action

"There's no other person to help them kundi ako at that period of time, kaya tumulong na ako," kuwento niya.Pag-amin ni Pingol, bago iyon ay halos isang dekada na nang huling tumulong siya sa panganganak. Laking pasasalamat niya na muli niyang naalala ang mga natutuhan niya.

"I think it was an easy delivery case, at thankful ako doon kasi kung complicated 'yung pregnancy ng nanay tapos ganoon 'yung environment, it would be harder for me and for anyone else to handle the situation," dagdag niya.Noong 2013 ay na-diagnose si Pingol ng leukemia ngunit anim na taon na siyang nasa remission. Pero sa kabila ng kanyang naging sakit, nananaig pa rin ang kanyang pusong mapagmalasakit.

BUONG ULAT:https://news.abs-cbn.com/news/08/19/20/good-samaritan-makati-lorrainne-pingol-helps-homeless-give-birthHindi lahat ng bayani ay nakasuot ng kapa; ang iba ay nakasuot ng korona.'Yan ang pinatunayan ni Miss Philippines Earth Fire 2013 Alma Cabasal nang pinamunuan niya ang ang pag-donate ng mga mask para sa mga frontliner sa California.

Nang makita raw niyang may kakulangan ng personal protective equipment sa Pilipinas, naisip niyang kailangan niyang kumilos kung sakaling mangyari man ‘yon sa America. Kaya naman pinag-aralan niya ang paggawa ng mga mask.“During this pandemic, I felt like I found my purpose. I was able to contribute to the community. I was able to donate my time and effort to help prevent the spread of the virus,” saad ng beauty queen.

Taospuso ang pasasalamat ng health care worker na si Paolo Bianco Villar Bartolo sa isang magtataho na kinilalang si Rolando Urbina dahil sa pamimigay nito ng libreng taho sa mga frontliner.“Malaking tulong din po 'yung ginagawa ni Kuya Rolando eh kahit paano po nagkakalaman 'yung tiyan namin bago po kami magsimula sa duty," kuwento ni Bartolo na nagtatrabaho sa Sta. Ana Hospital.

Dagdag pa niya, nai-post din niya sa social media ang pagbibigay ng taho ni Mang Rolando noong April 5, panahon ng enhanced commuity quarantine, at muli siyang nag-post noong August 16.Bilang isang frontliner, ang mga tulad ni Mang Rolando ay nagsisilbi ring “hero” para sa kanilang mga unang sumasabak sa laban ng COVID-19.

BUONG ULAT:https://www.facebook.com/bayanmoipatrolmo/posts/3338064779548075Ang bayanihan ng mga Pinoy, dama hanggang sa Thailand.Sa tulong ng online magazine na PinoyThaiyo na pinamumunuan ni Jezreel Llanera, naisulong ang "Bayanihan sa Thailand: Together We Can Overcome" initiative para makatulong sa mga nangangailangang overseas Filipino workers sa Thailand. Ang website ay nakipagsanib-puwersa sa Ateneo OF-LIFE LSE Thailand at DTI Philippines para sa proyekto.

Ngayong Setyembre, nakalikom sila ng THB 236,321 na cash donation at THB 236,321 halaga ng goods. Nakapamigay na rin sila ng 900 food packs sa mga Pinoy na apektado ang hanapbuhay dahil sa pandemya.Ibinahagi ng Bayan Patroller na si Father Carlo Soro, mula sa San Diego de Alcala Parish sa Pulo, Valenzuela, ang kanyang video habang nakasakay sa pedicab na pinapadyak ng matandang babae.

Marami ang napahanga ni Lola Federacion Bautista Villaolon, 83 taon gulang, na nagpapadyak pa rin ng pedicab para kumita ng pera.Napahanga ang pari sa sipag at tiyaga ni Lola Fedeng. Ayon dito, ayaw niya umanong umasa sa mga ayuda lalo pa at kaya pa naman niyang magbanat ng buto.

"Ang Panginoon, doon ako kumakapit sa Kaniya. Hindi Niya ho ako pinababayaan. Gabayan Niya ako para hindi muna ako humina," sabi ng matanda.BUONG ULAT:https://www.facebook.com/bayanmoipatrolmo/videos/574353703249230Aabot sa 17 kabataan ang nagpunta sa bayan ng Jipapad sa Eastern Samar, isa sa matinding tinamaan ng bagyong Ambo, para maghatid ng malinis na tubig noong Mayo.

Makikita sa mga post ni Kevin Ulysis Balbaboco Achay ng Taft, Eastern Samar ang pangongolekta nila ng mga galon ng tubig at donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo sa Jipapad na nabalot sa putik dahil sa pagbaha.Matapos ang isang linggo ng pag-iikot, nakaipon ng P25,000 ang grupo ni Balbaboco na pinambili ng tubig. Sa tulong din ng kanilang lokal ng pamahalaan, may 7,000 na litro ng tubig ang naihatid din sa Jipapad.

Kuwento ni Balbaboco, inabot ng limang oras ang biyahe nila at muntik pang hindi makayanan ng mga truck dahil matarik ang daan at mabigat ang sakay na tubig.Tanghali na nang makarating ang grupo sa lugar kung saan naghihintay si Mayor Benjamin Ver at mga residente na mag-iigib.

Nang makausap ng grupo si Ver, naikuwento ng mayor na may mga residente na nagkaalipunga at ang iba naman ay nagdudumi dahil sa pag-inom ng maruming tubig na galing sa gripo kung kaya naman nagpapasalamat ang mga residente na nabigyan sila ng malinis na tubig.

BUONG ULAT:MANILA-TO-SORSOGON BAYANIHAN. Bagama't may diperensiya sa paa, tinuloy ng 25 anyos na si Rommel Balbona ang pagpadyak sa kanyang pedicab mula Caloocan hanggang Sorsogon kasama ang 46 anyos na live-in partner.Nais nilang umuwi roon dahil sa kawalan ng hanapbuhay sa Maynila dulot ng pandemya.

Kuwento ni Rommel, kinabahan siya na baka abutin sila ng isang buwan sa daan. Hindi niya akalain na dadagsa pala ang tulong ng mga tao.Kabilang sa mga tumulong ang traffic enforcers na sina Eric Barela at Mark Jarcia na sumaklolo sa kanilang pagtawid sa highway.

Pati na rin ang grupong Raider 150 Owners Club na humila sa kaniyang pedicab gamit ang kanilang mga motor.Para mas mapabilis ang pag-uwi, napagdesisyunan ni Joey Alilipuod na ihatid sila sa Sorsogon gamit ang kaniyang van.Nakauwi sina Rommel noong Hulyo 2, alas-3 ng madaling araw, at malaki ang kaniyang pasasalamat sa bawat isa na nagmagandang loob sa kanila.

BUONG ULAT:https://business.facebook.com/bayanmoipatrolmo/posts/3208569982497556?__tn__=-RNaging viral sa social media ang pagtulong ni Jasmine Collado sa matandang lalaki na kinilalang si Alex Cucal na magbabayad ng kontribusyon sa PhilHealth noong Hunyo 30, 2020 sa San Rafael, Bulacan.

Hindi nagdalawang isip si Jasmine na tumulong nang marinig niyang kulang ang pambayad ni Tatay Alex para sa PhilHealth contribution.Kuwento ni Jasmine, kasama niya ang kapatid niya noon at nang malaman ang sitwasyon ni Tatay Alex, naisip nila na tulungan siya agad.

Hinangaan ni Bayan Patroller Renz Dela Cruz ang ginawa ni Jasmine kaya naisipan niya itong i- post sa social media, na may higit 380K reactions at 80K shares ngayon.BUONG ULAT:https://business.facebook.com/bayanmoipatrolmo/photos/a.133442686676983/3227288317292389

Para makatulong sa mga estudyante at Pinoy frontliners sa Australia, ipinagluluto sila ni Chef Edward Ocampo.Sa pamamagitan ng #EveryoneCares na pinamumunuan ng chef, nakakapagbigay sila ng lunch at dinner packs para sa mga nangangailangan.“It started at the beginning of April and is distributed every Sunday since,” ani Ocampo

Read more: ABS-CBN News »

FALSE: 85% of mask wearers catch COVID-19

The study, cited by the CDC, does not conclude that 85% of people who wear face masks are infected with COVID-19. The CDC and WHO both recommend wearing masks to prevent the spread of the disease.

Ilang negosyo, paaralan apektado ng pagbagal ng internet dahil sa maintenanceFirst char Sky cable temporary not suffer here QC

ALAMIN: Mga kailangan ng pasahero sa pagbabalik-operasyon ng provincial buses

Jessica Bunevacz, nanalo ng awards sa kanyang podcast show sa LAAng dating aktres at model na si Jessica Bunevacz ay nakatira na ngayon sa L.A. at nanalo pa ng awards sa kanyang podcast show! Ano-anong awards kaya 'yan? Alamin!

'COVID-19 cases sa PH posibleng umabot sa 410,000 sa Oktubre 31Gling nmn niu manghula TV Patrol,total cases yn pro dipa nabawas jn ang number ng recoveries.pwde b ibawas n lng niu ang recoveries at namatay pra malaman ng taong bayan ang tali ng hnd p gumaling.

Presyo ng gasolina, kerosene may paggalaw sa susunod na linggo

Presyo ng petrolyo muling tataas sa Setyembre 29