Watch more in iWantTFC MAYNILA — Dahil sa naranasang magkakasunod na pagbaha sa Metro Manila, patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasyente na may leptospirosis na dinadala sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City.Kabilang dito sina Alby Puyat, 21, at Gabriel Garcia, 19, na parehong nakakaranas ng acute kidney failure sanhi ng leptospirosis.
"Kasi po sobrang sakit na po ng tiyan ko tapos 'yung mga binti ko po napakasakit na rin po... Nagsusuka po ako, nagtatae po... Lumusong po ako sa baha kasi inabot ng baha bahay namin," ani Puyat. Taga-Valenzuela si Puyat habang taga-Marikina naman si Garcia. Kabilang ang mga lugar sa matinding binaha noong humagupit ang bagyong Ulysses.
Pareho rin silang may maliliit na sugat sa paa nang lumusong sa baha. Dahil marumi ang tubig sanhi ng humalong ihi ng daga at iba pang hayop, posibleng napasukan ng mikrobyo ang kanilang mga sugat."We have already 73 patients admitted, and we still have 17 in the emergency room to be admitted... We have to open the gym, those in the ER once cleared for admission will have to go to the gym na," ani Dr. Rose Marie Liquete, executive director ng NKTI.
Mula Enero, nasa 152 kaso ng leptospirosis ang dinala sa NKTI, 78 nito ang mga bagong kaso mula nitong Nobyembre 12.Payo ng NKTI, agad magpakonsulta kapag nakakaranas ng mga sintomas dahil ang acute renal failure nang dahil sa leptospirosis, naaagapan naman.Ayon sa NKTI, kapag nababad sa baha, mas mabuting uminom na ng antibiotic na nireseta ng inyong doktor.Watch more in iWantTFC Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: interaksyon - 🏆 24. / 51 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »