'Journalist ang ate ko': Paglaya ni Icy Salem, iba pang 'HR Day 7' ipinanawagan

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 54 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 25%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

MAYNILA – Nagtipon-tipon sa UP Diliman nitong Martes ang mga miyembro ng UP College of Mass Communication student council, ilang propesor, at iba pang aktibista para ipanawagan ang paglaya ni Lady Ann

"Icy" Salem.

Si Salem ay bahagi ng binansagang "Human Rights Day 7" , ang pitong dinampot noong Disyembre 10, International Human Rights Day. Kinasuhan si Salem, na isang mamamahayag, at 6 na unyonista matapos umano silang makitaan ng mga armas sa kanilang tahanan. "Journalist ang ate ko kaya wala akong nakikitang mali sa pagsusulat niya... Hindi ko naiintindihan bakit siya nakulong dahil journalist siya eh... Hindi ho siya dapat makulong dahil ang gusto lang naman n'ya ay magsulat, isulat yung mga nangyayari dito... Lalong hindi siya terorista," ani Jam Salem, kapatid ni Icy na editor ng Manila Today.

"Ang mga kabataan dito sa Unibersidad ng Pilipinas, iba't ibang organisasyon ay naglabas ng isang nagkakaisang pahayag upang ipaglaban ang pagpapalaya kay Icy Salem," ani UP Diliman Student Council chairperson Froilan Cariaga.Nakakita rin umano sila ng "pattern" sa serye ng pag-aresto, na lahat ay ginawa madaling araw sa bisa ng search warrant mula sa iisang hukom.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.