CEBU CITY, Philippines — NAGPAABOT na rin ng pakikiramay ang dating asawa ni Kris Aquino na si James Yap pati na ang Italian partner nitong si Michela Cazzola sa pagkamatay ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.
Nag-post ang PBA player sa kanyang Instagram account ng litrato ni P-Noy na may caption na, “Rest in peace President Noynoy Aquino. Thank you for being nice to me. You will be missed.” Sa comments section, nag-iwan ng mensahe ng pakikiramay ang partner ni James Yap na si Michela para kay Kris. Matagal nang walang komunikasyon sina Kris at James habang naging kaibigan naman ng TV host-actress si Michela noong panahong sinubukang magkaayos nina Kris at James para sa kanilang anak na si Bimby.
Samantala, ilan pang celebrities ang nagpaabot ng pakikiramay sa pamamaalam ni Noynoy Aquino, kabilang na ang malalapit na kaibigan ni Kris sa showbiz. “Ang buong pamilya ng It’s Showtime ay nakikiramay po sa pamilya po ng mga Cojuangco at mga Aquino,” pahayag ni Vice.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »