Ilang Pinoy nurses sa Germany, nakahabol sa OV registration deadline

Ilang Pinoy nurses sa Germany, nakahabol sa OV registration deadline

Tfc News, Ilang Pinoy Nurses Sa Germany

10/24/2021 2:40:00 AM

Ilang Pinoy nurses sa Germany, nakahabol sa OV registration deadline

ESSEN - Nakahabol sa extension ng registration para sa overseas voting ang mga bagong dating na Filipino nurses sa Essen,Germany.

Kahit mahigit 200 kilometro ang layo ng Alfried Krupp Krankenhaus, Essen sa Philippine Consulate General sa Frankfurt, hindi alintana ng bagong nurses ang layo ng lugar, makapagparehistro lang bago ang October 14 deadline.“Importante sa akin kasi gusto kong marinig yong boses ko and it’s an opportunity na rin to make an impact kahit isang boto lang yan it gives impact sa resulta ng halalan,” sabi ni Mae Pasigna, Pinay nurse sa Essen.

Is It Real? When Everyone Looked At The Photo They Worried

“As a Filipino citizen kailangan ito rin ‘yon time natin and responsibility natin to choose and to vote wisely ng mga gusto nating leaders,” sabi naman ni Grace Bacuen, Pinay nurse sa Essen.“Yung huling boto ko ay 2010 pa po. So para sa akin, matagal tagal ko ding hindi napa -practice, so kailangan ko po siyang gawim para magawa ko yon. Kahit papaano, is nagpa-rehistro ako, para maboto ko yong tamang tao para sa posisyon na ‘yon,” sabi Kristian Buna,Pinay nurse sa Essen.

Ang nurse na si Gemma Velasco dahil sa mahigpit na schedule ng kanyang trabaho, hindi na nagawang makapagpa-rehistro.“Nanghhinayang po kasi laging nasa ibang bansa ako hindi po ako nakakapag pa register parang nasasayang po iyong bilang ng boto ko. Minsan po kasi ‘yong isang kandidato kailangan nilang isang point or 2 points para manalo kaya nakakapanghiyang din po,” sabi ni Gemma Velasco,Pinay nurse sa Essen. headtopics.com

Panawagan naman nila sa kanilang mga kababayan na isiping mabuti kung sino ang kanilang iboboto.“Ang maipapayo ko sa mga kababayan natin ay piliin ng Mabuti, kung pwede mag- research pag pray natin talaga na mabigyan tayo ng wisdom kung sino sa tingin natin yong karapatdapat na mahalal,” dagdag ni Pasigna.

Showbiz newcomers, veterans: PH stars to watch out for this 2022

Sa datos ng Philippine Embassy sa Berlin may 4,971 registered Filipino overseas voters noong 2016 presidential elections pero 1,961 lang ang nakaboto. Ayon naman sa COMELEC, mahigit na anim na libong ang nakarehistrong Filipino overseas voters sa Germany hanggang 2019.

Inaasahang nadagdagan pa ito dahil sa kampanya na magpa-rehistro at extension ng deadline.

Read more: ABS-CBN News »

Robredo's new campaign tagline: 'Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat'

Vice President Leni Robredo says while it has been challenging to impose message discipline among her supporters, it's still a 'good problem' to have

Sarap, 'Di Ba?: Ilang Kapuso stars, may mensahe para kina Carla Abellana at Tom Rodriguez!Aired (October 16, 2021): Sa loob ng pitong taong pagsasama nila ni Kapuso actor Tom Rodriguez, masayang ibinahagi ng bride-to-be na si Carla Abellana ang kanilang paghahanda sa kanilang dream wedding. Ano naman kaya ang mensahe ng ilan sa kanilang mga kaibigan?

Pinoy runners sumabak sa Marathon de ParisPARIS - Kasama ang ilang Pinoy sa mahigit 30,000 marathoners mula sa iba-ibang panig ng mundo na sumabak sa Marathon de Paris 2021 nitong October 17.

BFAR nagbabala sa banta ng debris ng space rocketIpinag-iingat pa rin ng BFAR ang mga nakatira sa baybaying dagat sa Eastern Seaboard ng bansa sa posibleng debris mula sa rocket launch ng Korea.

Ano ang coaching tactic ni Coach Yeb sa Onic?Isa ang Onic Philippines sa mga title contender sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League.

Guro sa Cebu finalist sa Global Teacher PrizePasok bilang finalist sa prestihiyosong Global Teacher Prize si Bryant Acar, isang guro mula sa Cebu. God bless good luck to our teacher from Cebu!

Halalan ’22 simulation na may health protocols isinagawaMaagang sinimulan ng Commission on Elections ang pagsasanay sa proseso ng pagboto, na isinagawa sa isang public school sa San Juan City. Sana pareho lang din ang pasweldo sa mga ordinaryong empleyado sa mga pulitiko!! Taas kase ng standards natin kaso mababa ang sweldo, eh sa pulitiko ang baba ng standards pero ang laki ng sweldo, di pa nakontento nagnanakaw pa🥺🥺😢😢