: Sinisiraan na raw ng United States si Ferdinand"Bongbong" Marcos Jr. dahil sa takot na baka siya ang maging susunod na presidente ng Filipinas.Walang patunay na nagsabwatan ang US at ang oposisyon laban sa dating senador. Wala ring opisyal na pahayag ang gobyerno ng US tungkol kay Marcos. Ginawa lang na basehan ng maling bidyo ang isang dokumentaryo tungkol sa nakatagong yaman ng pamilyang Marcos.Na-monitor sa Crowdtangle ang bidyong naglalaman ng sabi-sabing ito.
Ang bidyo ay pinamagatang,"NAKAKAKILABOT AMERICA INUMPISAHAN NG SIRAAN SI BBM, TAKOT SILA NA MAGING PANGULO SIYA NG PILIPINAS!" Pinag-usapan sa bidyo kung paano maaaring maipagpatuloy ni Bongbong ang naiwang “legacy” ng kanyang ama, ang diktador na si Ferdinand Marcos, at ang nasimulan at maiiwang mga proyekto ng kasalukuyang pangulo na si Rodrigo Duterte.
Nang naisulat ang fact-check na ito, mayroong 3,410 views ang nasabing bidyo. Makikita rin ang bidyo sa Facebook page na"Maharlikan atin toh," kung saan mayroong 375 na reaksiyon, 149 na komento, at 81 na shares ang post. Namataan ang bidyong ito sa CrowdTangle.Walang patunay na nagsabwatan ang Amerika at ang oposisyon laban kay Bongbong. Wala ring opisyal na pahayag ang kahit na sinong politiko sa US, o ang gobyerno nito, na naninira sa dating senador.
julesguiang Bakit di nyo i-fact check yung estimated na ninakaw daw ni Marcos?
Wala ka pa rin tigil sa kakakuda BBM! Matagal na kayong Sira at hindi nyo na maibabalik pa tiwala ng mga Pilipino sa mga Marcos hanggat hindi nyo ibinabalik lahat ang inyong ninakaw sa Bayang Pilipinas. Saksi ako sa inyong mga ka Demonyuhan at Pagnanakaw ng Pamilya nyo !!
julesguiang Juskooooo more than 3 decades ng sira ang mga Magnanakaw na Marcos na yan!!! Hellowwww mas maraming dapat unahin ang US. Hindi pag aaksayahan ng panahon ng US ang mga Magnanakaw.
Bakit naman siya sisira-an ng US, eh dati naman sira-sira na ang kanyang papel dahil sa kahayupan sa pagnanakaw. I don't think the US government would take even three seconds of their time about BongBong. Ang maybe they even don't know bongbong.
Dating sira na mga yan..mga Ilokano lang di maka move on.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: inquirerdotnet - 🏆 3. / 86 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »