MANILA, Philippines – Matapos ang ilang taon mula noong nagsara ang construction companies sa Saudi Arabia,na makukuha na ng nasa 10,000 na overseas Filipino workers ang kanilang mga sahod na hindi pa nababayaran.
Inanunsiyo ng Department of Migrant Workers ang pangako ng Saudi Arabia noong Nobyembre 2022, pagkatapos magkita sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at si Saudi Crown Prince Mohammad bin Salman sa Asia-Pacific Economic Cooperations Summit sa Bangkok, Thailand.
Kung hindi pa nakakapag-submit ng claim dati ang OFW, magpadala ng email sa claims@saudiogerb.com upang ipaalam ang iyong claim.. Arabic ang pahina, ngunit may switch sa itaas upang isalin ang website sa Ingles.Pagkatapos magrehistro, mag-log in sa Ehqaq gamit ang username at password. Pagkatapos mag-log in, makikita ang form na dapat sagutan. Sagutan ang form at mag-attach ng mga hinihinging dokumento.Kung ikaw ay isang Saudi citizen o mayroon kang active account sa plataporma ng gobyerno na Absher, i-enter din ang activation code number na ipadadala sa iyong mobile number na naka-link sa iyong ID number sa Absher.
Kung hindi ka nakatira sa Saudi o wala kang active account sa Absher, kailangan mong mag-attach ng video na nagkukumpirma ng iyong pagkakakilanlan o identity, at isang litrato mo na may puting background. Kailangan din itong i-submit kasama ang isang activation code number na ipadadala sa mobile number na ginamit sa pagrehistro.Pagka-submit ng aplikasyon, maaari itong maaprubahan o matanggihan ng sistema agad kung may makitang isyu sa mga datos o mga dokumentong hiningi.
susanople paano po yung mga empleyado ng Saudi Oger Philippine Branch? Hindi rin po sila nabayaran nung nagsarado din sa Pilipinas. Makukuha pa ba nila yon?
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: CNN Philippines - 🏆 13. / 63 Read more »
Source: inquirerdotnet - 🏆 3. / 86 Read more »
Source: bworldph - 🏆 9. / 68 Read more »
Source: inquirerdotnet - 🏆 3. / 86 Read more »
Source: inquirerdotnet - 🏆 3. / 86 Read more »
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »