Batangas puspusan ang paghahanda sakaling pumutok ang Taal

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 31 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 16%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng lalawigan ng Batangas sakaling pumutok muli ang Bulkang Taal.

Sakaling "worst case scenario" ang mangyari gaya noong nakaraang taon, tinatayang aabot sa 300,000 na residente ng lalawigan ang ililikas, ayon kay Lito Castro, head ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office."Ang ibang kapitbahay nating lalawigan sa Calabarzon... they are willing to accommodate evacuees," ani Castro.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, sa nakalipas na 24 na oras, 69 tremors na ang naitala nila sa Taal, mas mababa kompara sa 98 na naitala noong nakaraang araw. "Tumataas po ang posibilidad na magkaroon ng phreatic eruption o explosion tulad po noong January 12, 2020 activity ng Taal Volcano," ani Solidum.Sa bayan ng Agoncillo, na pasok sa 14-kilometer danger zone ng bulkan, ikinasa na rin ng lokal na pamahalaan ang evacuation plan.

Nakatakdang magkaroon ng evacuation drill ang Agoncillo para masanay ang mga tao sa paglikas sakaling lumala pa ang sitwasyong ipinapakita ng bulkan.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.

Patuloy pa rin po sana kaung maghatid ng malinaw at makatotohanan na balita TV PATROL team.ipinagdadasal po namin ang lahat ng programa ng ABSCBN na magtagumpay po kau sa inung laban...ang PUSO po namin ay nasa inu KAPAMILYA...

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.