Alok ng Pag-IBIG: loan restructuring, pagpapaliban ng dagdag-kontribusyon

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 44 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 21%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Watch more in iWantTFC MAYNILA — Kanselado na ang nakatakdang dagdag-kontribusyon na P50 sa Pag-IBIG fund sa susunod na taon.

Umaapela rin ang ahensiya sa mga nag-housing loan na hindi na nakakabayad dahil sa epekto ng pandemya na agad mag-apply ng housing loan restructuring program para maiwasang mailit ang bahay.Walong taon nang naghuhulog ng Pag-IBIG housing loan si Aquino pero ngayong may pandemya, nadagdagan ang gastusin ng pamilya.

Kaya naisipan niyang mag-apply ng housing loan restructuring program kung saan tigil muna ang mahigit P8,000 na buwanang hulog na itutuloy sa Marso pa ng susunod na taon. "Siyempre ang masi-save doon puwedeng dagdag sa finances sa bahay so malaking tulong siya... Malaking savings ang mga 4 months. Imagine pandagdag lalo na sa electricity bill tumaas din kasi dito ako nagwo-work," ani Aquino.

Ang isa pang target ng programa ay 'yung mga may housing loan na di na nakakabayad sa loob ng 12 months o mula Setyembre 2019.Dahil sa mga grace period at moratorium dulot ng Bayanihan law, pasok sa housing loan restructuring program ng Pag-IBIG kahit Mayo 2019 pa di nakabayad.

Dahil sa epekto ng pandemya, ipinagpaliban na rin sa taong 2022 ang nakatakda sanang dagdag kontribusyon ng Pag-IBIG na P50.—Mula sa ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.