Covıd 19quarantine, Puerto Princesa Ecq Update, Puerto Princesa, Barangay Lockdown Update, Barangay, Tagalog News, Regional News, Covıd-19, Coronavirus, 5 Barangay Sa Puerto Princesa İsasailalim Sa Ecq | Abs-Cbn News

Covıd 19quarantine, Puerto Princesa Ecq Update

5 barangay sa Puerto Princesa isasailalim sa ECQ

5 barangay sa Puerto Princesa isasailalim sa ECQ #COVID19Quarantine

4/22/2021 9:10:00 AM

5 barangay sa Puerto Princesa isasailalim sa ECQ COVID19Quarantine

Limang barangay sa Puerto Princesa City ang isasailalim sa enhanced community quarantine simula Biyernes, Abril 23, dahil sa mabilis na pagdami ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 test.

- Barangay San Pedro (39 active cases) - Barangay San Miguel (28 active cases) - Barangay Sta. Monica (23 active cases) - Barangay San Jose (20 active cases) - Barangay San Manuel (15 active cases) Magtatapos ang ECQ sa mga barangay hanggang sa Abril 30 pero posibleng mapalawig pa ito kung patuloy na tataas ang active cases. 

‘Nobody noticed the freezer was turned off’: 348 Coronavac vials destroyed in Cotabato town Duterte says 'pristine clean' government 'impossible' Duterte’s joke only about riding jet ski, not sovereignty in West PH Sea — Velasco

“Nasa critical level tayo. Kinakailangan talaga na palaging sinasabi sa atin ng mahal na mayor, it’s make or break na po tayo ngayon. So, kailangan po ng dagdag na measure po para mabawasan natin ang pagtaas po ng COVID sa ating city,” pahayag ni Dr. Dean Palanca, commander ng Incident Management Team ng lungsod. 

Base sa inilabas na guidelines ng Incident Management team, magbabawas pa ng mga establisimyento na maaaring magbukas lamang sa loob ng ECQ. Magkakaroon ng paghihigpit sa paggalaw ng mga tao kaya kinakailangang kumuha ng quarantine pass kung kailangan lumabas para magtrabaho.  headtopics.com

Nakataas pa rin ang kautusan sa liquor ban at pagtatakda ng oras ng curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw. Nagbaba rin ng guidelines ang ibang bayan sa Palawan sa pagbabawas muna ng inbound travel at pagbisita sa mga pasyalan kahit pa lokal na turista ng Palawan. 

Sa huling tala ng local inter-agency task force Miyerkoles ng gabi, pumalo na sa 358 ang pinagsamang bilang ng Puerto Princesa, na mayroong 243 na kaso ng COVID-19, at ang mga munisipyo ng Palawan na nakapagtala ng 115 active cases. Isinisisi ito ng maraming Palawenyo sa pagpapailaw ng Acacia Tunnel sa Puerto Princesa noong Marso, na dinagsa ng libo-libong tao at hindi na nasunod ang ilang minimum health protocols. 

Pero depensa ng tagapagsalita ng city government, ang ibinabang guidelines ng Department of the Interior and Local Government noong Pebrero na nag-aalis sa mandatory quarantine sa lahat ng returning residents at ang pagtanggap ng mga lokal na turista ang posibleng dahilan ng pagdami ng kaso. 

“Unang-una, malabo na ho kasing iugnay ninyo sa Acacia Tunnel itong pagkalat na ito. Sa totoo lang na may mga history tayo na kung bakit kumalat ito. Ang totoong nagsimula ito kung tutuusin 'yong pagtatanggal ng quarantine sa mga APOR, doon tayo nagsimula,” ayon kay Richard Ligad, acting city information officer ng lungsod.  headtopics.com

PH gov't to push through with construction of Nayong Pilipino 'mega vaccination' site EXPLAINER: How Jerusalem tensions sparked heaviest Israel-Gaza fighting in years PH bans travelers from Oman, UAE; Travel restrictions on India, four other countries extended until May 31

KAUGNAY NA BALITA:Watch more in iWantTFC - Ulat ni Rex Ruta Read more: ABS-CBN News »

PH can be cordial with other nations but not at sovereignty’s expense – Lorenzana

MANILA, Philippines — Defense Secretary Delfin Lorenzana on Sunday said the Philippines will maintain its ties and cooperation with China, but not at the expense of its sovereign

Palace: Ifugao added to MECQ areas until mid-May; Puerto Princesa under GCQMalacañang on Friday said Ifugao province was included among areas under the second strictest quarantine level until mid-May, while Puerto Princesa would be under the second loosest classification for the whole of that month.

OCTA flags Cagayan de Oro, Puerto Princesa, Bacolod as COVID-19 'areas of concern'The OCTA Research Group flagged three cities outside the NCR Plus as 'areas of concern' due to the spike in COVID-19 cases in their vicinities. vaccines are a thing of the past if chinese communist china who came into a country in 2017 are not being deported.

Puerto Princesa hits biggest single-day spike with 121 new COVID-19 casesThe COVID-19 surge in Puerto Princesa City hit its biggest single-day spike of 121 new cases and three deaths, according to the City Epidemiological Surveillance Unit bulletin Monday. | RVMirandaINQ

Antas ng unemployment sa PH inaasahang tataas dahil sa balik-ECQ, MECQInaasahan ang pagtaas ng antas ng unemployment bunsod ng mga ipinatupad na lockdown kamakailan. ALISIN ANG PROVINCIAL RATE SA PHILIPPINES, ALISIN ANG ENDO AT MAGKAROON NG 10 FINANCIAL ASSISTANCE SA MGA WORKERS