Unang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency XI sa buy-bust operation ang anim na tao sa isang resort sa bayan ng Malalag, Davao del Sur, Martes ng gabi.Nakuha sa anim na suspek ang mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu.
Samantala, 5 suspek ang naaresto sa isang buy-bust operation sa C.M. Recto Street sa Davao City Miyerkoles ng umaga. Naabutan sa loob ng inn ang 5 tao. Apat sa kanila ay naaktuhang gumagamit ng shabu. Nagpositibo din sa drug test ang apat na suspek. Isa sa mga naaresto si Alyas "Madam" na target ng operasyon. Nauna na siyang naaresto noong nakaraang taon dahil rin sa pagkakasangkot sa ilegal na droga at kalalabas lamang mula sa kulungan noong nakaraang buwan.
Ayon kay Atty. Behn Joseph Tesiorna, ang Assistant Regional Director ng PDEA-XI, modus ng mga nagtutulak at gumagamit ng ilegal na droga ang pag-renta sa inn para hindi agad matiktikan ng mga awtoridad.Inihahanda na ng PDEA ang kaso laban sa mga suspek.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »