Watch more in iWant or TFC.tv Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang pagkamatay ng aabot sa 31 baboy sa isang babuyan sa Dasmariñas, Cavite, na hinihinalang dahil sa African swine fever.
Sabado nang magsimulang mamatay ang alagang baboy ni Leoncio Tasis sa Barangay Emmanuel, Bergado Uno. Kinabukasan, namatay na rin ang lahat ng kaniyang alagang baboy. ''Biglang tumamlay na po sila,hindi na kumain ng kaning baboy, bumili rin ako ng feeds tubig tubig na lang. Sabay sabay na po namatay," ani Tasis, na P300,000 ang ikinalugi sa nangyari.
Agad ding inilibing ang mga namatay na baboy noong weekend at nagsagawa ng disinfection sa apektadong piggery, ayon kay Barangay Chairman Winifredo Dedase. Pinag-aaralan na ngayon ng lokal na pamahalaan na patayin ang higit 2,000 baboy na sakop ng isang kilometro mula sa apektadong piggery. Aabot sa 30 barangay ang apektado nito.
Naghahanda namang tumulong ang Department of Agriculture at ng lokal na pamahalaan sa mga maapektuhan nito. -- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »