Lucia Police Station na si Police Cpt. Leonilo Ancheta, alas-10 ng gabi nakatanggap ng report ang 81st Infantry Battalion ng Philippine Army at Military Intelligence Company na may NPA sa isang bahay sa Namatican.
“Doon na po nila pinaputukan ang tropa ng gobyerno at nagkaroon ng exchange of fire at nabaril ‘yung tatlo,” ani Ancheta.Kalihim umano si Ka Goyo habang si Ka Aunor ay deputy secretary ng NPA sa lugar. Si Ka Ricky naman ang political guide ng grupo sa lugar.Hindi kakilala umano ng may-ari at bantay ng bahay ang tatlo. Hiniling daw lang nila na dito maghintay sa kanilang kasama.
“Natakot siya lalo na at kasama niya ang dalawang apo niya kaya hindi sya nag-report hanggang dumating na ang kasama ng tatlo hanggang sa rumesponde ang tropa,” dagdag ng hepe. Narekober sa pagmamay-ari ng tatlo ang dalawang caliber .45 na baril at walong kapsula nito at isang hand grenade. Ayon sa civil military operations officer ng 702nd Brigade na si Capt. Rogelio Dumrigue Jr., halos 40 ang kasapi ng grupo ng mga nasawi sa lugar.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »