Patrolph, Tagalog News, Bigas, Agrikultura, Department Of Agriculture, Bilihin, Bantay Bigas, Federation Of Free Farmers, Nfa Rice, Bukluran Ng Progresibong Magbubukid Ng Pilipinas, Tv Patrol, April Rafales, Tv Patrol Top, William Dar, 3.6 Milyong Sako Ng Nfa Rice Sinimulan Nang İbuhos Sa Mga Pamilihan | Abs-Cbn News

Patrolph, Tagalog News

3.6 milyong sako ng NFA rice sinimulan nang ibuhos sa mga pamilihan

9/13/2019 11:00:00 PM

3.6 milyong sako ng NFA rice sinimulan nang ibuhos sa mga pamilihan

Pero nangangamba ang ilang magsasaka na baka baratin sila ng traders para matapatan ang presyo ng NFA rice.Nasa 3.6 milyong sako ng NFA rice ang target ilabas ng DA sa mga pamilihan sa loob ng isang buwan para mahila umano ang presyo ng commercial rice, na nasa P32 hanggang P50 pataas pa rin ang presyo kada kilo.

LIVE UPDATES: COVID-19 pandemic WHO confirms there's 'emerging evidence' of airborne transmission of coronavirus Unyon ng mga manggagawa sa ABS-CBN, umapela kay Duterte para sa prangkisa ng network

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, layon na bumaba na sa P27 hanggang P37 ang presyo ng NFA rice. Sa ngayon, nasa P32 hanggang P50 ang presyo ng NFA rice.May iniimbestigahan na rin kaugnay ng umano'y pagho-hoard o pagtatago ng bigas, dahilan kaya hindi bumababa ang presyo ng commercial rice, ayon kay Dar.

"They are under investigation by the Philippine Competition Commission," ani Dar.Pero para sa grupong Federation of Free Farmers, lalong babagsak ang presyo ng palay ng mga magsasaka dahil babaratin ito ng traders para matapatan ang presyo ng NFA rice sa merkado.

Nauna nang idinaing ng mga magsasaka sa ilang lalawigan ang pagsadsad ng presyo ng palay sa P7 hanggang P11 kada kilo mula P17 hanggang P20 noong 2018.Nanawagan naman ang grupong Bantay Bigas na taasan ang bili sa lokal na palay at huwag ipako sa P19 kada kilo.

Sa Iloilo, sinabi ng grupong Bukluran ng Progresibong Magbubukid ng Pilipinas (BMPM) Panay na kahit mas mataas ang P19 na bili ng NFA sa kanilang palay kaysa sa pagbili ng traders, umaasa silang mananatili sa P20.70 ang buying price ng NFA.Sa Misamis Oriental, ilang magsasaka na ang pinag-iisipan umanong ibenta sa NFA ang mga palay kaysa malugi sa mas mababang presyo ng traders.

Ayon sa DA, kinailangan nilang babaan sa P19 mula P20.70 ang bili sa lokal na palay para mas madami pa silang mabiling palay sa limitadong budget na mayroon sila.-- Ulat nina April Rafales at Kevin Manalo, ABS-CBN News Read more: ABS-CBN News »

ano naman kaya pakinabang ng mga maliliit na magsasaka jan?! aber?! Dapatlang po para ma experience naman ang effect ng rtl na murang bigas. Di pa ako nakabili ng reduced price ng commercial rice since rtl took effect

NFA to buy palay at higher price, minus cash incentive

Agriculture department 'floods' market with cheap, imported NFA riceAgriculture Secretary William Dar leads the unloading of NFA rice in Commonwealth Market in Quezn City, which will be sold at P27 per kilo. Imported?! So gusto nyo talagang patayin ang local farmers nten noh

ALAMIN: Ayuda para sa mga magsasakang sapul ng rice tariffication

WATCH: Star-studded red carpet premieres ng Pista ng Pelikulang Pilipino, dinagsa ng fansDinagsa ng fans ang kabi-kabilang red carpet premieres ng mga pelikulang kalahok sa ika-3 Pista ng Pelikulang Pilipino sa iba't ibang parte ng Metro Manila.

Mariel, hindi na masaya kay Eldon? | Ep. 84Ito na kaya ang huling hiwalayan nina Mariel at Eldon? Panoorin ang mga painit nang painit na eksena sa 'Dahil Sa Pag-Ibig.'

Pusher timbog, P4.3-milyong halaga ng shabu narekoberDapat sinusunog agad lahat ng nahuhuling drugs para hindi na ma-recycle.