Ikinatuwa ng netizens ang larawan ng isang aso na tila abot langit ang ngiti sa isang birthday party sa Occidental Mindoro.

Ayon sa kumuha ng litrato na si Jeanilyn Rondain, bumisita lamang siya sa 4th birthday ng anak ng kaniyang kaibigan noong January 10, 2022 at kumuha ng ilang larawan.

Hindi niya araw agad napansin ang nakangiting aspin na si Kisses na parang siya ang may kaarawan.

Kumportable na raw ang mga residente sa lugar kay Kisses dahil lagi na nila itong nakakasama. Binigyan din siya ng pagkain sa party.

Kasalukuyang namamahagi si Rondain ng tulong sa mga stray dogs at cats sa kanilang lugar, kaya bukas sila sa mga nais magpaabot ng donasyon para sa kanilang gawain.

—Rolando Defeo, Jr./LBG, GMA News