Surigao Del Sur, Lianga District Jail, Jailbreak, Tangkang Pagtakas, Preso, Tagalog News, 13 Preso Nagtangkang Tumakas Sa Lianga District Jail, 4 Patay | Abs-Cbn News

Surigao Del Sur, Lianga District Jail

13 preso nagtangkang tumakas sa Lianga District Jail; 4 patay

13 preso nagtangkang tumakas sa jail sa Surigao, 4 patay

9/26/2021 10:00:00 PM

13 preso nagtangkang tumakas sa jail sa Surigao, 4 patay

Apat na preso ang napatay matapos magtangka umano silang tumakas mula sa Lianga District Jail sa Surigao del Sur Linggo ng umaga.

Ayon kay Jail Supt. Bernie Ruiz, Assistant Regional Director for Administration and Operations ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Caraga, nangyari ang tangkang pagtakas habang nagsisilbi ng almusal ang mga on duty na jail personnel.Sinunggaban umano ng mga preso ang isang jail personnel na magbubukas sana ng gate ng selda para ipasok ang kanilang pagkain.

Oxford University confirms Bongbong Marcos got only 'special diploma' Robredo's 'kakampink' hold nationwide parade; #LeniKiko2022 trends on Twitter Marcos camp stands by Bongbong's Oxford degree

Malaki ang paniniwala ni Ruiz na planado ang tangkang pagtakas."Bigla nilang ginawa na bilang isang pagkakataon na i-overrun 'yung secondary gate ng jail natin, mayroon naman tayong nakabantay doon. Hindi inaasahan 'yung personnel natin na naka-post doon sa secondary gate ay na-overrun ng limang PDL na may dala-dalang ice pick at natutukan yung JO1 Trainee Rebuyo natin at kasama rin 'yung personnel natin na si JO1 Trimidal," ani Ruiz.

Nagkaroon ng komosyon at nakita ito ng personnel na nasa tower na nagpaputok ng warning shot. Lumusob pa rin umano ang mga preso sa kabila nito.Tinutukan ng baril ng isang jail officer ang tatlong preso habang hinostage naman ng mga preso ang isang trainee at regular personnel. Nagkapalitan ng putok matapos makuha ng isang preso ang baril ng isang jail personnel na kanilang na-hostage. headtopics.com

Apat na preso ang namatay habang isa naman ang sugatan.Aminado si Ruiz na may problema sa seguridad sa Lianga District Jail. Noong nakaraang linggo, nagpadala sila ng anim na personnel at nag-issue ng bagong mga high-powered firearms dahil sa mga tangkang pagtakas ng mga preso.

Ang apat na namatay ay hinihinalang miyembro ng New People's Army habang ang iba naman ay may mga kasong murder, kidnap for ranson, rape, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.Kasalukuyang naka-red alert status ang kulungan dahil sa insidente. Naka-isolate na rin ang iba pang presong kasama sa tangkang pagtakas upang maiwasan na magkaroon pa ng simpatiya mula sa ibang mga preso.

- ulat ni Charmane Awitan Read more: ABS-CBN News »

Sonny Matula is 12th member of Robredo's Senate slate

(1st UPDATE) 'Malinaw sa mga usapan namin kung nasaan ang puso ni Attorney Sonny Matula. Para sa kanya, ang pakikianib sa atin ay hindi isang transaksyon, kundi tungkulin,' says Vice President Leni Robredo

Sulu drug bust: 1 patay, P13-M halaga ng shabu nasamsamAabot sa P13 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Parang, Sulu, kung saan napatay ang 1 sa 7 suspek. Patay suspect. Siguro kalahati lang iyang shabu na pinakita sa media. Aah...aah MacarioBonifac1 Talamak drugs ngayon,..bakit kaya daming drugs sa Mindanao,dahil ba presidente taga mindanao,..

Social media sukatan ba ng popularidad sa halalan?Kani-kaniyang diskarte muna sa social media ang ilang kakandidato sa Halalan 2022 dahil sa pandemya. Hindi usyoso lang iba kahit haters 😆 Bakit naungosan ba ng social media ang ABS CBN sa pagpromote ng mga kandidato para sumikat? Hoy walang gastos at pinagkakitaan pa yang social media na di kagaya ng flatform ninyo na mahal na, di pa ideniliver tamang serbisyo tulad sa ginawa nila sa ads ni Tatay Digong.

Mga eksena sa Miss Universe PH preliminary interviewsNagtagisan sa talino ang mga kandidata ng Miss Universe Philippines sa preliminary interviews.

Dalawang Pinay, tumatakbong city councilors sa ItalyROME - Dalawang Pinay sa Italya ang kabilang sa mga kumakandidato bilang city councilor sa Italy at may iba ring mga Pilipino ang tumatakbo bilang municipal councilors. O basta ung kick back nyo dyan ah, ipadala nyo sa pinas 🤣 Naturuan b kau kung pno mangurakot? Hnd kau tunay n pinoy politician kung d kau mrunong nyan. Chorrr Filipino mahilig talaga sa politika.

Mga Pilipino sa NZ, nakatanggap ng COVID-19 vaxNaging matagumpay ang free for all COVID-19 vaccine para sa mga Filipino sa Auckland, New Zealand dahil na rin sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Filipino volunteer. In Singapore too…all are welcome to receive vaccine… You don’t need a visa to book for a vaccine appointment in NZ